Babangon na para lang makahinga
'Di na alam, ano pa ba ang halaga?
'Di n'yo ba napapansin
Kung pa'no na 'ko tumingin?
Natutuyo na ang mga luha ko
Bakit gan'to? Palaging bitbit ang mundo
'Di n'yo ba papansinin?
Palaging magkukunwari
Tulong, 'di ko mahinto ang bulong
Magdamag nang nakakulong
Sa kuwarto kong wala nang kumakatok
Sana liwanag ay makita muli
Hangga't wala pa sa huli
Bago mauwi sa pagsisisi
At tulala na naman sa kawalan
Namamanhid na ang buong katawan
Ayoko nang bumangon pa
Nabubulok na sa kama
Tulong, 'di ko mahinto ang bulong
Magdamag nang nakakulong
Sa kuwarto kong wala nang kumakatok
Sana liwanag ay makita muli
Hangga't wala pa sa huli
Bago mauwi sa pagsisisi
Heto na ang wakas
'Di kayang magbukas
Ang lakas sa labas
Buhay kong binutas
Hihiga sa kama
Isasara ang mata
Buhay na nalanta
Mag-isang tatawa
Langit ay pumiglas
Hangin ay hahampas
Sa pintong walang kumakatok
Tradução automática
Este recurso será adicionado em breve.
Em breve, o EMXStudio poderá gerar uma tradução automática desta letra usando uma API ou pacote de tradução.
A tradução aparecerá aqui de forma organizada, mantendo o mesmo estilo das letras revisadas.
Resultado automático
Esta letra foi encontrada automaticamente e pode precisar de revisão.
Quando ela for adicionada ao catálogo principal do EMXStudio, poderá receber tradução, correção, categoria, artista vinculado e informações completas.