May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni Kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
No'ng ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
No'ng ako'y naging binata, sa erpat ng siyota ko
Ngayon ay may asawa, mayro'n nang pamilya
Wala na ngang multo ngunit takot sa asawa ko
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Maliit na butas, lumalaki
Konting gusot, dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka, ah, ng maling akala
Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kuwarto?
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil 'di nakapagtapos
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo, oh, oh
Maliit na butas, lumalaki
Konting gusot, dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka, ah, ng maling akala
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
(Maliit na butas, lumalaki) Sa maling akala
(Konting gusot, dumadami) Sa maling akala, sa maling akala

Tradução automática
Este recurso será adicionado em breve.
Em breve, o EMXStudio poderá gerar uma tradução automática desta letra usando uma API ou pacote de tradução.
A tradução aparecerá aqui de forma organizada, mantendo o mesmo estilo das letras revisadas.
Resultado automático
Esta letra foi encontrada automaticamente e pode precisar de revisão.
Quando ela for adicionada ao catálogo principal do EMXStudio, poderá receber tradução, correção, categoria, artista vinculado e informações completas.